Inanunsiyo ng hepe ng National Guard Bureau na tinanggal nila sa US Capitol ang naka-assign na 12 nilang mga tauhan.
Ito ay matapos matuklasan na may koneksiyon umano sila sa mga extremist.
Ayon kay General Daniel Hokanson, dalawa sa security officials na idineploy upang protektahan ang presidential inauguration ay tinanggal dahil umano sa kanilang hindi magandang mga komento at teksto.
Ang isa sa guardsman ay naiulat na naka-tag sa mga armadong grupo sa pamamagitan ng chain of command, habang ang isa pang indibidwal ay nakilala sa pamamagitan ng isang tip mula sa law enforcement tip-line.
Nauna nang ibinunyag ng US Secret Service officials na pinaghahandaan nila ang posibilidad na “inside attack” na maaaring mangyari sa loob ng US Capitol sa inauguration day ni President-elect Joe Biden.
“As confirmed by both GEN. Daniel Hokanson, @ChiefNGB, and Mr Jonathan Hoffman, Assistant Secretary of Defense for Public Affairs, 12 National Guard members have been removed from the inaugural support mission out of an abundance of caution,” bahagi pa ng statement ng National Guard Bureau Public Affairs Press Desk. “It’s important to note that of the 12 removed from the mission, only two of those removed were due to inappropriate texts or statements related to the inauguration event.” (with report from Bombo Jane Buna)