-- Advertisements --

Umabot na sa 12 katao ang nasawi at 44 na iba ang sugatan ng dahil sa pagtama ng Russian artillery sa isang supermarket at post office sa Donetsk region.

Sinabi ni Ruslan Osypenko ang namumuno ng Donetsk police region na dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Nadamay din sa pag-atake ang apat na bahay ilang mga katabing establishimento maging ang mga sasakyan na nakaparada doon.

Sinasabing gumamit ang Russia ng Kh-38 missile sa sa nasabing pag-atake.