-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Sasampahan pa raw ng patung-patong na kaso ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang ilang kawani ng gobyerno at contractor na nasa likod ng hindi pa rin kumpleto at substandard materials na ginamit sa Yolanda housing project sa Eastern Visayas.

Ito ang inamin ni PACC chairman Dante Jimenez sa gitna ng patuloy pa rin daw nilang imbestigasyon sa maanomalyang report ng naturang proyekto.

Una ng kinasuhan ng grupo ang 12 opisyal ng National Housing Authority (NHA) matapos madiskubre na substandard materials ang ginamit sa pabahay na itinayo sa Eastern Samar.

Natukoy din na naggawad ng P741-milyong kontrata ang ahensya sa isang JC Tayag Builders na contractor kapalit ng halos 2,600 housing units sa apat na bayan.

Pero lumabas na 36 unit lang ng bahay ang kanilang naitayo sa loob ng dalawang taon.