-- Advertisements --

ROXAS CITY – Balik Capiz na ang unang batch ng Pinoy overseas workers na naipit sa Metro Manila mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.

Ang 12 OFW na nakauwi ay pawang mga taga-Roxas City, mga bayan ng Mambusao, Maayon, President Roxas, Panitan at Jamindan.

Sa ngayon nananatili raw sa Hortus-Botanicus, Brgy. Milibili ang anim na residente ng Roxas City.

Inatasan naman ang local government units kung saan nakatira ang iba pa na gumawa ng hakbang para sumailalim muna sa quarantine ang kanilang balikbayang residente.

Bukod sa quarantine, nakatakda rin daw i-test sa COVID-19 ang mga nakauwing OFW.