Aabot sa 12 pamilya o 59 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Sitio Kalubihan, Brgy. Pajac Lapu-lapu City nitong Huwebes ng tanghali.
Kinumpirma ito sa hepe ng City Disaster Risk Reduction Mangement Office, Nagiel Banacia sa inisyal na datang nakuha nila pasado alas 5 ng hapon.
Ayon din kay Ermilita Degamo, hepe ng City Social Welfare(CSWS) na may food packs ng ipinamahagi sa mga biktima at pinili paring manatili malapit sa pinangyarihan ng sunog.
Una rito, natanggap ng Lapu-lapu fire department ang alarma pasado alas 12:42p.m. Itinaas sa second alarm pasado 12:49 at third alarm sa 12:50 pm.
Idineklarang naman under control mga ala 1:05 ng hapon at nag fire out pasado ala 1:55.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang dahilan ng sunog.
Tinataya namang aabot sa P120,000 ang pinsalag dulot ng sunog.