-- Advertisements --
Sugatan ang 12 pasahero ng Qatar Airways matapos na tamaaan ng turbulence.
Ang nasabing eroplano ay mula sa Doha at patungo sana sa Dublin, Ireland.
Dahil sa insidente ay nagpatupad ang emergency landing ang eroplano.
Ayon sa Dublin Airport na ang mga biktima ay kinabibilangan ng anim na pasahero at anim na crew members kung saan walo sa kanila ang dinala sa pagamutan.
Nakaranas umano ang Qatar Airways flight QR107 habang ito ay lumilipad sa bahagi ng Turkey.
Tiniyak ng airline company na kanilang bibigyan ng tulong ang mga sugatang pasahero.
Maguugnitang noong nakaraang linggo ay patay ang isang pasahero habang mahigit 100 ang sugatan ng tamaan din ng turbulence ang Singapore airlines.