-- Advertisements --
Tinatayang nasa 12 katao ang nalunod nang lumubog ang sinakyan nilang bangka malapit sa isang isla sa kanlurang Greece.
Ayon sa Greek coast guard, nailigtas naman ang 21 iba pang katao.
Rumesponde aniya sila sa area makaraang makatanggap ng distress signal mula sa naturang bangka.
Sa ngayon ay patuloy pa ang paghahanap ng helicopters at mga barko ng iba pang mga nakaligtas sa lugar na nasa timog-kanlurang bahagi ng isla ng Paxos.
Sinabi pa ng mga otoridad na posible raw na umabot hanggang 50 katao ang sakay ng lumubog na vessel.
Batay sa datos ng United Nations High Commissioner for Refugees, halos 74,500 migrants at refugees ang nagtungo sa Greece noong 2019. (Reuters)