-- Advertisements --

Nasa 12 katao ang patay dahil sa nangyaring landslides sa Kathmandu, Nepal.

Nasa 21 katao rin ang nawawala sa landslide bunsod ng malawakang pag-ulan.

Hindi na agad nakalabas ang karamihang residente dahil sa madaling araw nangyari ang insidente.

Mula pa noong Hunyo hanggang Setyembre ay tumama na ang landslide sa lugar na ikinasawi na ng nasa 314 katao at 160 ang sugatan.