-- Advertisements --

Umakyat na sa 12 indibidwal ang naaresto ng mga otoridad sa Davao City dahil sa paglabag sa gun ban na ipinatutupad ng Comelec.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 National and Local Elections sa bansa.

Ayon sa Davao City Police Office, ang naturang bilang ng mga naaresto ay mula sa sampung ikinasang operasyon ng PNP mula Jan, 12 hanggang Jan. 26 ngayong 2025.

Batay sa datos na inilabas ng pulisya, karamihan sa mga indibidwal ay nahulihan ng baril sa kanilang pag-iingat at ang ilan ay nakunan ng mga patalim at pampasabog.

Sa ngayon , aabot sa labing siyam na baril ang nasa pag-iingat ng kapulisan kabang nasa kasagsagan ng panahon ng halalan.