-- Advertisements --

Nananatiling apektado sa bird flu ang 12 probinsya sa buong Pilipinas.

Ito ay batay sa datos ng Bureau of Animal Industry hanggang nitong Disyembre-15, 2023.

Sa ilalim ng 12 na probinsya, 70 mga bayan at siyudad ay apektado. Ito ay binubuo ng 158 barangay.

Pinakahuling naapektuhan ay ang lungsod ng Balanga sa Bataan ay ang bayan ng Concepcion, Tarlac.

Maalalang inilabas ng Department of Agriculture(DA) noong buwan ng Nobiembre ang isang memorandum circular na nagbibigay pahintulot sa paggamit ng mga bakuna laban sa bird flu, para sa lahat ng apektadong lugar.

Sa ilalim ng vaccination program ng ahensiya, mayroong dalawang kategorya na susundin: protective emergency at preventive vaccination.

Kabilang sa mga maaaring bakunahan sa ilalim nito ay ang mga layer chicken, layer breeder, broiler breeder, colored o free-range breeder, grandparent broiler breeder, small-hold layer o native chicken, duck, game fowl, turkey atbp.