-- Advertisements --

Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at advocacy group na Scam Watch Pilipinas sa publiko na mag-ingat laban sa 12 scams of christmas ngayong holiday season.

Dahil sa nalalapit na kapaskuhan, inaasahang tataas pa ang bilang ng scams dahil marami ang mga mamimili ng panregalo at panghanda sa online.

Ayon kay Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Executive Director Usec. Alexander Ramos, sasamantalahin ng mga scammer ang panahon na ito para manloko ng mga tao na ang modus ay magbigay ng donasyon para sa pekeng charitable projects.

Ilan sa christmas scams na ito ay ang pekeng shipping at delivery notifications, pekeng online charity scams, fake shopping websites, fake online sellers, free trial scams, fake Christmas gift card scams, tech support scams, crypto investment scams, fake relative/friend scams, dating scams, foreign exchange investment scams, at loan scams.