-- Advertisements --

Napatay ang Afghan military sa ginawa nilang air strike laban sa mga Taliban fighters ang nasa 12 katao kabilang ang mga kabataan sa Takhar province.

Ang nasabing atake ay tumama sa religious school sa northeastern province ng Afghanistan.

Kinumpirma ni Afghan military spokesman Hadi Jamal ang nasabing air strike pero hindi malinaw kung ang atake ba ay aksidenteng tinamaan ang mga sibilyan.

Pinabulaanan naman ni First Vice President Amrullah Saleh na may mga bata ang nasawi dahil sa air strike.

Noong nakaraang mga araw kasi ay umabot sa 37 mga sundalo ng Aghanistan ang napatay ng mga Taliban fighters.