-- Advertisements --
Ceremony welcoming the F-35A at Misawa Air Base, Japan (file photo from Tech. Sgt. Benjamin W. Stratton, US Air Force)

Pansamantalang itinigil ng Japan ang paggamit ng kanilang 12 natitirang F-35A fighter jets.

Ito ay kasunod ng pagkawala ng isa nilang Lockheed Martin-made stealth fighter kagabi habang ito ay nasa training mission sa Pacific Ocean.

Sinabi Japanese Defense Minister Takeshi Iwaya ang kanilang hakbang ay hangga’t hindi nahahanap ang nawawalang F-35A ay mananatiling grounded ang iba pa nilang kahalintulad na fighter jets.

Nagsasagawa na ng paghahanap ang Japan Maritime Self-Defense Force aircraft at vessel kabilang na ang iba’t ibang rescue vehicles ng Japan sa bahagi ng Pacific Ocean.

Ang nasabing stealth fighter ay naiulat na nawawala kagabi matapos na ito ay mag-take off sa isla ng Honshu sa Japan.

Kung maalala noong nakaraang taon, bumagsak din sa Amerika ang isa ring Stealth bomber, na itinuturing na pinakamahal at pinakamodernong fighter jet sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Sa ngayon 12 mga bansa lamang ang pinayagang makabili nito kasama na ang South Korea at Australian sa Asia.