KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Isulan-Philippine National Police (PNP) sa nangyaring salpukan ng dalawang sasakyan sa harapan ng Sultan Kudarat Provincial Capitol sa nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Lt. Col. Junnie Buenacosa, hepe ng Isulan-PNP, ang nasabing vehicular accident ay kinasasangkutan ng isang pulang Ford ranger na minamaneho ng nagngangalang John Almodiente na residente ng Koronadal City; at isang puting pampasaherong van na minamaneho ng isang Abdullah Samson na taga-Cotabato City.
Napag-alaman na patungo sa magkaibang direksyon ang dalawang sasakyan nang magbanggaan ang mga ito kung saan bumaliktad ang ranger habang ang van ay nabangga sa puno ng niyog.
Sugatan naman ang mga pasahero ng van na kinilalang sina Christine Garcia, Marjorie Posadas, Mark Lozada, John Navarette, Abdul Ahed, Ria Isabel Tobianosa, Sitti Aina Macasundig, John Paul Lerio, Nerisa Edris at Rasul Edris. na nagtamo ng mga minor injuries at kasalukuyang nagpapagaling.