Tuluyan ng papakawalan ng Phoenix Suns si 12-time NBA All-star Point Guard Chris Paul. Ito ay matapos ang tatlong taon na pamamalagi ni Paul sa nasabing koponan.
Sa kasalukuyan, si Paul ay may average na 13.9ppg, 8.9apg, at 4.3rpg, kasama na ang 1.5spg habang naglalaro ito sa ilalim ng Suns ngayong season.
Sa loob ng kanyang pamumuno, bumalik ang Suns sa Playoffs, na hindi nagawa ng koponan sa loob ng isang dekada.
Noong 2021, nagawa rin niyang maipasok ang Suns sa NBA Finals, ngunit hindi naman ito pinalad na makuha ang kampeonato laban sa Milwaukee Bucks.
sa loob ng 18 seasons na paglalaro ni Paul, mayroon itong 17.9ppg, 9.5apg, at 4.5rpg, kasama ang 2.1spg. Nakapaglaro na rin ito sa ilalim ng New Orleans, LAC, Houston Rockets, at OKC.
Ang nasabing pagbabago sa lineup ng Suns ay kasunod na rin ng pagtanggal ng management kay Monty Williams bilang head coach, at ipinalit sa kanya si Frank Vogel na siyang head coach ng Lakers nang magkampeon ito noong 2020.