-- Advertisements --

Ikinokonsidera raw ng Department of Health (DOH) ang paghingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte para matapyasan ang presyo ng nasa 120 uri ng gamot.

Nabatid ng DOH na maraming customer ang dumadaing dahil walang generic o mas murang alternatibo ang kanilang drug prescription sa sakit.

Una ng nag-protesta ang mga pharmaceutical companies dahil mako-kompromiso umano ang ginawa nilang pananaliksik at shipment ng gamot.

Pero sa isang pahayag sinabi ni Health Usec. Eric Domingo, na hindi naman nila hahayaan na malugi ang mga kompanya.

Nais lang daw ng kagawaran na mas maging rasonable sa bulsa ng publiko ang mga gamot.

Kung maaalala, panahon pa ni dating Gloria Macapagal-Arroyo nang huling maglabas ng executive order para tapyasan ang presyo ng ilang gamot.

Sakop sa panukala ng DOH ang mga gamot para sa diabetes, hypertension, newborn diseases, cancer at psoriasis.