CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 120 na mga matataas na uri ng armas ang isinuko sa militar ng LGU-Datu Paglas Maguindanao.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Diosdado Carreon na tinurn-over ni Datu Paglas Mayor Abubakar Paglas ang mga armas katuwang ang pulisya at LGU-Datu Paglas.
Pormal namang tinanggap ni General Carreon ang mga loose firearms.
Ang mga baril ay kinabibilangan ng 82 na mga M16 rifles, twenty seven (27) M14 rifles, six (6) M203 grenade launchers, two (2) M60 general purpose machine guns, isang caliber 30 machine gun, isang M79 grenade launcher at isang 12 gauge shotgun na pagmamay-ari ng mga tauhan ng Special Cafgu Active Auxilliary (SCAA) na nagbabantay sa plantasyon ng saging sa bayan ng Datu Paglas.
Sinabi ni Mayor Abubakar Paglas na ang pagsuko ng mga armas ay bilang pagtalima sa kampanya ng gobyerno kontra loose firearms.
Dagdag ni General Carreon na ang mga isinukong armas ay idadaan sa legal na proseso at I-isyu muli sa mga Cafgu.
Nanawagan si General Carreon sa may mga hawak na loose firearms sa Maguindanao na isuko na sa militar at pulisya.