-- Advertisements --
class students

Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng klase bukas, Hunyo 3.

Sinabi ni Police Colonel Bernard Banac ngayong araw na handang-handa na ang PNP sa pagbibigay ng seguridad sa mga mag-aaral na magbabalik eskuwela bukas.

Magpapakalat aniya sila ng nasa 120,000 pulis sa buong bansa at 7,000 naman sa Kalakhang Maynila para magbantay sa mga paaralan at unibersidad.

Tinatayang aabot sa 27.8 million estudyante ang inaasahang babalik eskuwela para sa academic year ngayon, ayon sa Department of Education.

Nasa 25 million ng naturang mag-aaral ay pawang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan.

Sinabi ni Banac na sa ngayon ay wala naman silang natatanggap na anumang banta sa seguridad.

Sa kabila nito, mananatiling alerto pa rin aniya ang pulisya sa anumang posibleng mangyari.