CENTRAL MINDANAO-Abot sa 120 na residente sa Sitio Mawasa at Sitio Lower Silangan ng Barangay Cuyapon Kabacan Cotabato ang napagkalooban ng Sitio Electrification Program (SEP) ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.
Masayang binati ni COTELCO Board Director Jaime S. Calamaan, Jr. ang mga residente ng Barangay Cuyapon sa isinagawang Ceremonial Switch-on para sa Electrification Program sa Sitio Mawasa at Sitio Lower Silangan.
Kasabay nito ang paglalagay ng mga linya ng mga kuryente sa nasabing lugar.
Pinasalamatan naman ni Barangay Cuyapon PB Ernesto Bigsang Sr. ang tulong at suporta ni Dir. Calamaan at Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. para maisakatuparan ang matagal na mithiin ng mga residente sa nasabing Sitio.
Mismong si Kabacan Mayor Guzman naman ang dumalo sa nasabing programa. Aniya ito ay makasaysayang bagay para sa mga residente ng Brgy. Cuyapon dahil matapos ang maraming taon, maaabot na sila ng serbisyo ng COTELCO.
Nagpaabot rin ng pasasalamat si Association of Barangay Captain President Evangeline Pascua-Guzman sa COTELCO. Hiling nito na matulungan pa sila na maabot rin ang iba pang mga barangay na nangangailangan ng serbisyo ng COTELCO.