-- Advertisements --

Aabot sa 1,200 na QCitizens o mga residente ng Quezon City ang napasama bilang benepisyaryo ng Cash for Work (CFW) na programang inilulunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Quezon City Social Services Development Department (SSDD).

Ang naturang Cash for Work ay isang programa sa ilalim ng project BINHI o Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished ng nasabing ahensya.

Layunin nitong masolusyunan ang mga isyu, gaya na lamang ng food security na kinahaharap ng mga Local Government Unit ngayong patuloy pa ring nararanasan ang El Niño sa ating bansa.

Dito ay sumailalim ang mga residente sa mga talakayan patungkol sa climate change, kahalagahan ng disaster resilience, community savings group at maging ang joy of urban farming.