-- Advertisements --

CEBU CITY – Magtitipun-tipon ang humigit kumulang na 12,000 kabataang Pilipino sa gaganaping opening salvo ng National Youth Day 2019 sa lungsod ng Cebu.

Sisimulan ito sa pamamagitan ng opening program na gaganapin naman mamayang hapon sa Cebu City Sports Complex at susundan ng isang malaking prusisyon patungong Basilica Minore Del Sto. Niño.

Pagkatapos ng opening mass sa Basilica Minore del Sto. Niño sa gabi, masasaksihan din ng libu-libong mga pilgrims ang tradisyunal na Sinulog Dance.

Umaasa si Fr. Mark Barneso, ang chairman ng Cebu Archdiocesian Commission on Youth, na magiging mabuting “servant” o tagapaglingkod ang mga kabataang sumali sa National Youth Day.

Ayon kay Fr. Barneso na matutunan ng mga pilgrims mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang kahalagahan ng pagsunod sa utos ng Panginoon.