-- Advertisements --
Aabot sa 121 katao ang patay sa patuloy na labanan sa Tripoli, Libya.
Ayon sa World Health Organization na ang bilang ay mula ng ilunsad ng Khalifa Haftar ang kanilang pang-aatake.
Mula noong nagsimula ang labanan noong Abril 4 ay mayroon ng 560 katao ang sugatan.
Kabilang sa nasawi ang tatlong medical personnel.
Nagsimulang magpumilit ang mga militant group na lumusob mula noong mapatalsik si Moamar Kadhafi taong 2011.