-- Advertisements --
Aabot 122 Chinese nationals ang inaresto sa Nepal dahil sa kaso ng cyber scam.
Kabilang sa mga naaresto ang walong babae sa isang bahay sa Kathmandu.
Sinabi ni Central Investigation Bureau ng Nepal na si Niraj Bahadur Shahi, nagsasagawa na sila ng masusing imbestigasyon kung sangkot ang mga ito sa cybercrime.
Nakumpiska dito ang mahigit 700 na mobile phones, 331 laptops at ilang daang desktop computers mula sa mga bahay na nilusob ng mga kapulisan.
Nakipag-ugnayan ang mga kapulisan sa Nepal sa National Central Bureau ng Beijing bago isagawa ang operasyon.