-- Advertisements --

LA UNION – May kabuuang 122 baboy ang isinailalim sa culling kahapon dito sa syudad ng San Fernando.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Flosie Decena, City Veterinarian.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Decena, sinabi nito na lahat ng baboy mula sa ground zero ng Barangay Cadaclan hanggang sa layong isang (1) kilometro ay sasailalim sa preemtive culling.

Ito ang nakikita nilang paraan para mapigilan ang pagkalat ng ASF virus na nagiging dahilan sa pagkamatay ng mga baboy.

Tiniyak din nito ang pagbibigay ng tulong pinansiyal na tig-P1,500 mula sa city at provincial government ng La Union maliban pa sa P5,000 na manggagaling naman sa Department of Agriculture para sa bawat baboy na ipapa-culling.