-- Advertisements --
ILOILO CITY – Pormal nang nagsimula ngayong araw ang 122nd founding anniversary celebration ng “Semana sang Iloilo”.
Tema ngayong taon ng aktibidad ay “122 Years of Championing Progress”.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na ang selebrasyon ay nakatuon sa pagsariwa sa kasaysayan ng civil government ng Iloilo Province noong Abril 11, 1901.
Ayon kay Defensor, magtatagal ang aktibidad hangang sa Byernes, Abril 14.
Kaugnay nito, nagsagawa ng parade ang mga empleyado ng Iloilo Provincial Capitol.
May iba’t-ibang exhibit rin sa kapitolyo at sa Old Iloilo Provincial Capitol.
Maliban dito, mayroon ring Trade Fair sa capitol lobby at food fest sa capitol parking grounds.