-- Advertisements --
PDRRMO MASBATE 2 2

Patuloy na nakakapagtala ng mga aftershocks ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lalawigan ng Masbate.

Ito ay kasunod pa rin ng pagtama ng magnitude 6.0 na lindol doon kaninang madaling araw.

Sa ulat ng kagawaran, as of 12:00 ng tanghali ay pumalo na sa 123 ang bilang ng mga aftershocks na yumanig sa naturang lalawigan.

Nasa 44 dito ang naitala bilang plotted earthquakes, habang nasa 13 naman ang naramdaman.

Anila, ang naturang mga aftershocks ay mayroong lakas na 1.5 hanggang 4.2 na magnitude.

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang naitatalang major damages ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Masbate na niyanig ng lindol ngunit nagpapatuloy pa rin anila ang ginagawang assessment ng local disaster response units hinggil sa mga pinsalang tinamo ng nasabing lalawigan.

Habang suspendido na rin naman ang lahat ng mga klase at trabaho sa buong Masbate bilang bahagi pa rin ng pag-iingat.