-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umaabot sa 123 na mga 1st year student ng University of Southern Mindanao (USM) Libungan Campus sa Libungan North Cotabato ang tumanggap ng cash assistance.

Inabot mismo ni Cotabato 3rd District Congressman Jose “Ping-ping”Tejada ang P15,000.00 bawat isa sa 123 na estudyante.

Itoy bahagi ng scholarship program ni Tejada sa mga estudyante sa pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya ng Cotabato.

Nagpaalala naman si Libungan Mayor Christopher “Amping Cuan sa mga estudyante na sana hindi sila makalimot sa kanilang pinanggalingan, magsipag sa pag-aaral at kung makatapos tumulong sa kanilang mga magulang.

Kuwento ni Cuan na lumapit siya kay Tejada sa scholarship program ng mga estudyante sa USM Libungan Campus at hindi ito nagdalawang isip para tumulong.

Naglaan si Congressman Tejada ng P2.8 milyon sa mga estudyante ng USM Libungan Campus dahil isa sa kanyang mga prayoridad ang edukasyon ng mga kabataan.

Nagpasalamat naman si Mayor Cuan kasama sina Vice-Mayor Rolando”Onggie”Pader,SB members,mga guro,magulang at si USM President Francisco Gil Garcia sa tulong ni Tejada sa mga estudyante.