-- Advertisements --
Hindi bababa sa 124 katao ang nasawi matapos ang madugong pag-atake ng Sudanese paramilitary group the Rapid Support Forces (RSF) sa isang Khartoum, Sudan.
Mula pa kasi noong Abril ng nakaraang taon ay patuloy ang pakikipaglaban ng RSF sa Sudanese Armed Force (SAF) para maagaw ang kontorl sa bansa.
Bukod pa sa mga nasawi ay mayroong mahigit 200 katao ang sugatan at 150 na dinukot ng mga RSF.
Kinumpiska rin ng mga armadong grupo ang lahat ng mga Starlink devices na siyang tanging ginagamit n komunikasyon ng mga residente.
Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang nasabing mga armadong suspek.