Aabot sa 124,000 na lisensiyado at rehistradong Filipino nurses ang walang trabaho at underemployed o nagtratrabaho sa ibang industriya base sa data mula sa Deprtment of Health (DOH).
Kung kayat ipinanukala ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na dapat i-track ng DOH ang mga nurse na walang trabaho at kumbinsihin ang karamihan sa mga ito na walang trabaho na sa mga ospital ng gobyerno na lamang magtrabaho bilang paraan para masolusyunan ang lumalalang kakulangan ng nurses sa ating bansa.
Ginawa ng mambabatas ang pagbubunyag kasunod ng plano ni Health Scretary Ted Herbosa para mag-hire ng nursing graduates na bumgsak sa board exmas na inilarawan ng mambabatas na mapanganib na maaaring humantong katulad ng isang lunas na mas malala sa sakit.
Dapat din aniya na maging prayoridad ng National Nursing Advisory Council (NNAC) ang paghahanap sa 30,000 rehistradong nurses at bagong board passers na wala pang trabaho o nasa ibang mga industriya.
Iginiit pa ng mambabatas na ang agarang pag-hire sa mga walang trabaho na pumasa sa Nursing Licensure Examination o kaya ay lisensiyadong nurse na ay mas mainam pa kesa sa plano ni Health Sec. Ted Herbosa.