Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Vientiane na aabot na sa 125 OFWs ang matagumpay na nakabalik ng Pilipinas noong mga nagdaang linggo.
Ito ay sa pakikipagtulungan at asistensya na rin ng mga awtoridad sa bansang Laos.
Ang mga biktimang Pilipino ay iniligtas mula sa kinasang operasyon laban sa ilegal na operasyon ng cyber scam sa Golden Triangle Special Economic Zone (GTSEZ), sa Bokeo Province, Lao People’s Democratic Republic.
Naging matagumpay ang operasyon dahil na rin sa pakikipagtulungan ng embahada sa DFA Office of the Undersecretary for Migrant Affairs maging sa mga awtoridad sa Lao.
Tumulong sila sa pagproseso ng mga dokumento, at pagsisiguro na lahat ng mga ito ay makakauwi ng Pilipinas ng ligtas.
Kaugnay ay tiniyak ng DFA, IACAT, DMW, at OWWA na nanatili silang nakatuon sa pagbibigay suporta sa lahat ng mga Pilipino sa ibang bansa.