-- Advertisements --

Nasa 125 katao ang patay at 208 ang nasugatan sa sagupaang ng magkalabang grupo sa Dafur region ng Sudan.

Ito na ang pang-anim na araw na labanan sa El Geneina city ang capital city ng West Darfur.

Dahil sa labanan ay lumikas na ang mga maraming residente ng lugar.

Itinuturing na ito na ang pinakagrabeng labanan mula ng nagkaroong peace agreement noong 2020.

Maging ang mga pagamutan ay inatake rin ng mga armadong grupo subalit napaalis din ang mga ito ng mga kapulisan at sundalo.

Noong nakaraang taon ay umalis na ang mga United Nation peacekeepers matapos ang naganap na peace agreement.