-- Advertisements --
Nailigtas ng mga kapulisan sa Guatemala ang 126 na migrants.
Nakasakay ang mga ito sa isang abandonadong shipping container sa gilid ng kalsada sa bayan ng Nueva Concepcion at Cocales.
Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na inabandona ng mga ito ng mga smugglers na binayaran para dalhin ang mga ito sa US.
Karamihan sa mga dito ay Haiti habang ang iba ay mula sa Nepal at Ghana.
Agad na dinala ang mga ito sa shelter na pinapatakbo ng Guatemalan Migration Institute.
Dadalhin ang mga ito sa border ng Honduras at ipapasakamay sa mga otoridad.