-- Advertisements --
Nakatakdang mapalaya na ang nasa 126 na mga inmates kasabay ang pagdiriwang ng ika-126 Araw ng Kalayaan.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) na mayroon ng kabuuang 14,324 ang bilang ng mga inmates ang kanilang napalaya mula pa noong Hunyo 2022.
Dagdag pa ni BuCor chief Gregorio Catapang na mayroon ding 95 na mga BuCor personnel ang nakatakdang ma-promote.
Kinabibilangan ito ng corrections chief superintendent, apat na superintendents, tatlong technical chief inspectors, limang chief inspectors, isang senior inspector, 10 senior officers IV, 27 officers II at apat na non-uniformed personnel.
Mayroong 13 mga non-uniformed correction officers din ang manunumpa sa kanilang opisina.