Aabot sa 126 persons deprived of liberty ang pinalaya ng Bureau of Corrections kasabay ng paggunita sa ika – 126th na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.
Ayon sa ahensya, mula ng umupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, umabot sa na sa kabuuang 14,324 PDLs ang nakalaya sa mga piitan sa bansa.
Batay sa datos, 61 PDLs mula sa 126 na pinalaya ngayong araw ay mula sa maximum security camp, medium security camp at reception and diagnostic center sa NBP lungsod ng Muntinlupa.
Nagmula naman ang 22 PDLs sa Davao Prison and Penal Farm in Davao del Norte, 16 sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, 10 PDLs ay pinalaya mula sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City,8 mula sa Leyte Regional Prison sa Abuyog at Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Isang bilanggo naman ang pinalaya mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan ngayong araw.
Sa isang pahayag sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na karamihan sa mga inmate na pinalaya ngayong araw ay matapos na maabot ang kanilang maximum na sintensya, napawalang sala, nabigyan ng parole , nabigyan ng probation at nabigyan ng conditional pardon.
Aniya, bahagi pa rin ito ng hakbang ng gobyerno para ma decongest ang mga piitan sa bansa.
Hinikayat rin nito ang mga pinalayang PDLs na ipagpatuloy ang pagbabagong buhay sa kanilang pagbalik sa komunidad.
Mas mainam rin aniya na huwag sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila upang makalaya at makapiling ang kanilang mga pamilya ta mahal sa buhay.