-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagtala ng kasaysayan para sa lungsod ng Butuan ang administration candidates sa pangunguna ni re-elected Mayor Ronnie Vicente Lagnada matapos nilang ma-grandslam ang 13-0 victory ngayong eleksyon na nagsimula noon pang 2016 local elections.

Tinalo ni Mayor Lagnada ang mahigpit na impluwensyadong kalabang local broadcaster na si Norbert Pagaspas at nakuha rin ni incumbent Congressman Lawrence Lemuel Fortun ang malaking boto pagka-besi mayor habang si incumbent Vice Mayor Jose ‘Joeboy’ Aquino II naman ang pumalit sa kanyang iiwang posisyon bilang representante nitong lungsod at ng unang distrito ng Agusan del Norte.

Pasok din ang sampu nilang mga kandidatong councilors ng lungsod kungsaan tuluyan na silang naiproklama kaninang alas-dies ng umaga sa session hall ng Sangguniang Panlungsod (SP) building.