CENTRAL MINDANAO – Na-intercept ng Joint Task Force Central ang 13-anyos na binatilyo na may dalang mga matataas na uri ng armas sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Ist Mechanized Battalion commander Lieutenant Colonel Cresencio Sanchez Jr na namataan nila sa kanilang military checkpoint sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao ang isang 13-anyos na nagmamaneho ng kuliglig.
Nakuha sa loob ng kuliglig o tractor ang isang M16 (Bushmaster), isang M16 rifle, 38 .pieces of M16 Barrels, anim na price pieces of M14 back plate, dalawang 16 butt plates, assorted parts for M14 and M16 rifles, one unit welding machine, and three (3) pieces metal clamp.
Ang suspek ay agad dinala ng mga sundalo sa himpilan ng pulisya.
Malalaki ang paniniwala ni Colonel Sanchez na pagmamay-ari ng BIFF ang mga armas o mga armed lawless group.
Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) chief at Joint Task Force Central r Major General Juvymax Uy ang tropa ng Ist Mechanized Battalion at mga intel units.