Tinalo ng isang binatilyo mula sa Oklahoma ang classic video game na Tetris.
Itinuturing na si Willis Gibson ang unang tao na nakatalo sa classic game ng Nintendo matapos ang 34 taon.
Sa video na inupload ni Gibson ay umabot na ito sa level 157 na dahilan para tuluyang mag-crash ang nasabing laro.
Dahil sa panalo ay muntik pang malaglag ang 13-anyos na binatilyo sa kaniyang upuan.
Umabot ng 38 minuto ang kaniyang paglalaro bago tuluyang matalo ang laro.
Ang nasabing laro aniya ay hindi pa natatalo kung saan ito ay pinaniniwalaang hanggang level 29 lamang ang kayang maabot ng isang ordinaryong tao.
Ang nasabing laro ay ginawa noong 1984 ng isang Soviet engineer na si Alexey Pajitnov.
Sumikat ito sa Nintendo Entertainment System at Nintendo Game Boy console noong 1989.
Noong 2010 isang professional competitive gamer na si Thor Aackerlund ang nakaabot ng level 30 kung saan gumamit ito ng technique na tinatawag na hypertapping isang pamamaraan kung saan ang manlalaro ay nagba-vibrate ng kaniyang daliri para maigalaw ang controllers ng mas mabilis.