-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakakulong na ang suspek sa panggagahasa sa 13 anyos na dalagita sa bayan ng Calinog, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Calinog, Iloilo Mayor Francisco Calvo, sinabi nito na ang biktima na13 -anyos ang naiwan sa kanilang bahay ng pinasok sila ng suspek na kanilang kapitbahay.

Ayon kay Calvo, ang suspek na isang habal-habal driver ay may live-in partner at anak.

Lasing umano ang suspek ng ginawa ang krimen.

Kaagad namang nahuli ang suspek sa kanila mismong bahay na nahaharap sa kasong statutory rape.