BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang isang 13-anyos sa bayan ng Basista, Pangasinan matapos ito malunod habang naliligo sa ulan kasama ang mga kaibigan.
Kinilala ang biktima na si Rodel Frias, residente ng Sitio Federico De leon, Basista.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josephine Rovillos, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, nagkayayaan umano ang mga magkakaibigan sa isang swamp o bubon kung tawagin sa Pangasinan.
Paalam din aniya ng biktima sa kaniyang magulang na maliligo ito sa ulan ngunit sumama ito sa mga kaibigan niyang menor-de-edad para maligo sa ulan.
Sa kasamaang palad, napunta ito umano ang biktima sa malalim na bahagi ng bubon na naging sanhi ng kaniyang pagkalunod.
Agad naman tumawag ng tulong ang kaniyang mga kaibigan ngunit umabot pa ng ilang oras bago marekober sa ilalim ang katawan ng biktima na siyang nagsanhi ng kaniyang pagkasawi.
Samantala, dagdag naman ni Rovillos, bago lamang ang ganitong kaso sa kanilang bayan. Nakamonitor naman umano ang mga opisyal ng barangay araw araw para makaiwas sa mga ganitong insidente.