-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Lumobo pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Unang nakapagtala ng Covid 19 positive case ang bayan ng Upi Maguindanao.
Ang biktima ay isang 13 anyos na may travel history sa Makati City.
Sa datos ng Municipal Health Office (MHO-Upi) may isang probable case ng Covid 19, ROF at LSI-130, home quarantine-101 , confirmed case 1 at 29 ang nasa isolation facility.
Sa ngayon ang pinakamaraming naitala sa Lanao Del Sur na may 74 na kaso, sinundan ng Maguindanao 22, Basilan 6 , Sulu 3 habang Covid Free pa rin ang Tawi-Tawi.