-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sugatan ang isang 13-anyos na binatilyo nang mabaril ang kanyang sarili sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Datu Jay Guiaman, residente ng North Upi, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya sa North Upi, pinaglaruan umano ng biktima ang kanyang holen gun subalit aksidente nitong nakalabit ang gatilyo.

Tumama sa mata ng binatilyo ang bala ng holen gun sa kanyang mata at agad ding naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.