-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Labing-tatlong mga areas of concern ang tinututukan ngayon ng Police Regional Office o PRO-13 para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo a-12.

Ayon kay PBGen Christopher Abrahano, regional director ng PRO-13, sa nasabing mga lugar idi-neploy ang 170 mga tauhan ng Quick Reaction Force (QRF) mula sa Regional Mobile Force Battalion-13, upang magsilbing QRF sa tatlong mga lalawigan nitong rehiyon.

Sa nasabing bilang, 13 ang nai-deploy na sa Dinagat Islands province, 68 naman sa Surigao del Sur, at 85 sa Surigao del Norte.

Dagdag pa ni General Abrahano, mag-a-assist ang nasabing mga pulis sa mga local units na nangangailangan ng karagdagang manpower para sa pag-secure sa mga tao pati na sa mga gamit sa eleksyon.