-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isinailalim ng pulisya ang 13 mga bayan sa Iloilo bilang orange category o ‘election areas of immediate concern.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Col. Adrian Acollador, director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), sinabi nito na ang nasabing mga bayan ay kinabibilangan ng Sara, Bingawan, Lambunao, Maasin, Janiuay, Alimodian, San Joaquin, Tubungan, Igbaras, Miagao, Leon, Lemery kag San Dionisio, Iloilo.
Nasa red category o election area of grave concern ang Calinog, Iloilo, dahil noong nakaraang halalan, may naitalang election related incident.
Maliban dito, isa rin sa tinututukan ng pulisya ay communist terrorist group at ang mga political rivalry.