Pumalo na sa 13 teroristang Dawlah Islamiya terrorist Abu Toraype group ang patay kabilang ang isang sub-leader sa isinagawang operasyon ng militar sa bahagi ng Liguasan Marsh sa Maguindanao.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Wesmincom commander Lt Gen. Cirilito Sobejana kaniyang sinabi na kabilang sa 13 fatalities ng teroristang grupo ay ang kapatid ni Dawlah Islamiyah Leader Salahuddin Hassan na nakilalang si alyas Andot.
Nitong July 25 nang simulan ng militar ang kanilang air and ground operation sa teroristang grupo.
Nakordon kasi ng militar ang pinagtataguan ng teroristang grupo sa may bahagi ng Liguasan marsh.
Kaya bago pa man sila makapaghasik ng karahasan inunahan na sila ng militar.
Tukoy na rin ng militar ang pagkakakilanlan ng 13 terorista na nasawi sa military operation.
Ito ay ang mga sumusunod:
Mohammad Satar, Hamid Ekal, Maula Samad, Esmail Kagui Malang, Muner Akbal, Masunep Kabelan, Abdul Masaiden, Abu Naip, Abu Kasan, isang “Alimudin,” dalawang unidentified men , at ang sub-leader ng grupo na si Andot Hassan.
Habang ang mga nasugatan ay sina Abdul Mama, Pagayao Sulaiman, at Omar Malayog.
Sa nasabing sagupaan isang sundalo ang nasawi na nakilalang si Sergeant Ahmad Mahmood.
Naka pokus ang opensiba ng militar sa tinatawag na SPMS box ito ay ang magkakadugtong na bayan ng Shariff Aguak, Datu Saudi Ampatuan, Datu Salibo at Mamasapano.