-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pagod na at gustong mamuhay ng mapayapa ng 13 na mga terorista na sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao at North Cotabato.

Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Bungos ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Bungos faction).

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roy Galido na sumuko ang unang pitong BIFF sa tropa ng 92nd Infantry Battalion Philippine Army sa Midsayap Cotabato.

Anim naman na BIFF ay sumuko sa Ist Brigade Combat Team sa Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte.

Dala sa pagsuko ng mga terorista ang mga matataas na uri ng armas,pampasabog,mga bala at mga magasin.

Nakatanggap ng tulong ang mga rebelde mula sa LGU-Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte sa pangunguna ni Mayor Datu Tucao Mastura at Midsayap Cotabato Mayor Rolly Sacdalan.

Nangako ang mga rebelde na tutulong sila sa pamahalaan para sa kapayapaan at kaunlaran sa kanilang sariling komunidad.

Muling hinimok ni MGen Galido ang iba pang BIFF na sumuko at mamuhay nang mapayapa