CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa labing tatlong mga kolehiyo at Unibersidad na may health-related programs ang binigyan ng go signal ng Commission on Higher Education (CHED-12) na magkaroon ng limited face-to-face classes.
Sinabi ni CHED-12 regional director Nelia Alibin na ito ay matapos ang serye ng mga evaluation sa kakayahan ng mga paaralan na ito na magkaroon ng face to face classes sa harap ng umiiral na pandemya.
Ito ay para sa school year 2021-2022 na sumasakop sa dalawang semesters. Ang mga pinayagang magkaroon ng limited face to face classes ay ang Notre Dame of Midsayap College,Cotabato Medical School Foundation, Inc.,North Valley College Foundation, Inc.,Sultan Kudarat State University,Sultan Kudarat Educational Institution,Southern Mindanao Institute of Technology,Southern Baptist College, VMC Asian College Foundation, Inc.,St. Alexius College, Southern Christian College,University of Southern Mindanao-Kabacan campus, Brokenshire College of Socsksargen at General Santos Doctors Medical Foundation Inc.