-- Advertisements --

Patuloy pa rin na nakakaranas ng power interruptions ang nasa 13 electric cooperatives sa buong bansa kasunod ng impact ng Severe Tropical Storm Paeng.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Assistant Secretary Mario Marasigan, apektado dito ang nasa 5,000 kasambahayan habang puspusan ang pagsasaayos ng linya ng kuryente sa kabila ng kinakaharap na mga hamon dahil sa malawakang pagbaha sa mga sinalantang lugar.

Ang mga lugar na patuloy na nakakaranas ng power interruptions ay nagrerekober pa lamang mula sa epekto ng pagtama ng malakas na magnitude 6.4 na lindol sa Abra noong nakalipas na buwan at bagyong Odette na nanalasa sa bansa noong nakalipas na taon.

Sa nakalipas naman na bagyong Paeng nasa 96 na leectric cooperatives ang apektado mula sa 13 rehiyon at 56 na probinsiya sa buong rehiyon karamihan dito ay sa Luzon at mga lugar sa Visayas at Mindanao.

Subalit nasa halos 100% ng nakabalik sa normal ang operasyon ng mga apektadong power cooperatives.

Sa partial assessment, nasa humigit kumulang sa P109.396 million ang halaga ng pinsala sa power facilities.