-- Advertisements --

Nasa 13 mga estudyante mula sa Vietnam, Japan at United Kingdom ang pinabalik na lamang sa Pilipinas dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay CHEd Chairman Prospero De Vera, nakipag-ugnayan sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH) para ipaalam ang kaso ng mga estudyante at estado nila bilang persons under monitoring (PUM) para matiyak ang tulong pagdating nila sa bansa.

Patuloy din aniyang babantayan ng DOH ang mga kalagayan ng mga dumating na estudyante.

Dinala na rin ang mga ito sa kani-kanilang mga probinsiya para sumailalim sa self-quarantine protocols.