Guipos, ZDS – Boluntaryong sumuko sa mga operating elements ng 53rd Infantry Battalion ang siyam na mga dating rebeldeng New Peoples Army (NPA).
Malugod naman itong tinanggap ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Chief LtGen. Cirilito Sobejana ang siyam na mga dating rebelde.
“Welcome back to the society, the community where you truly belong,” mensahe ni Lt. Gen. Sobejana.
Iprinisinta kay Sobejana ang siyam na mga dating rebelde ng bumisita ito sa headquarters ng 53rd Infantry (MATAPAT) Battalion matapos ang isinagawang ceremonial ground breaking sa bagong ELCAC projects na matatagpuan sa Barangay Ocapan, San Miguel nuong July 23, 2020.
Nagpasalamat naman si 53rd IB Commanding Officer Lt. Col. Jo-ar Herrera sa panahon ng heneral para makita ang mga sumukong dating rebelde.
“We will make sure to facilitate their benefits under various government programs and initiatives, including the Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP),” pahayag ni Lt. Col. Herrera.
Bukod sa siyam na Former Rebels, iprinisinta din kay Sobejana ang lima pang mga dating rebelde na boluntaryong sumuko sa 44th Infantry Battalion.
Samantala, hinimok naman ni Wesmincom Chief Lt. Gen. Sobejana ang mga dating rebelde na maging productive members sa kanilang mga komunidad.
“We will continue to hone your skills so you will be productive citizens of the community,” pahayag Lt. Gen. Sobejana.
Iprinisinta din kay Sobejana ang samut-saring mga high-powered firearms na narekober ng militar mula sa mga dating rebelde.
Pinatitiyak naman ni Sobejana na kanilang wawasakin ang mga narekober na armas.
“Later on, we will destroy these firearms so they can’t be used again,” giit ni Sobejana.
Siniguro naman ng heneral na ipo-proseso ng militar ang mga FRs’ para makatanggap ang mga ito ng cash and livelihood assistance na nagkakahalaga ng Php 65,000.00 bawat isa.