-- Advertisements --

Nagdulot ng pagkaantala ng nasa 13 flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang na-stuck na Cebu Pacific plane sa madamong bahagi ng Golf 13 taxiway ng paliparan.

Nangyari ang insidente habang nire-reposition mula Bay 111 patungong Bay 122A ang eroplano kayat hindi muna magamit ang ilang parking bays.

Wala namang sakay na mga pasahero o crew ang Cebu Pacific Air A-321 nang mangyari ang insidente at walang naitalang nasugatan.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga naapektuhang flights sa patungong PH ay mula San Francisco, 2 mula sa Singapore, Dubai, Melbourne, Guangzhou.

Sa departures naman ay mula Manila patungong Hong Kong, Narita, Kansai, Dubai, Singapore at San Francisco.